top of page

Lalaking nanaksak ng anim na katao sa Baguio City, nahuli na

Writer's picture: Irish Nicole BaguioIrish Nicole Baguio

..BY IRISH BAGUIO



Inaresto ng Baguio City Police Office (BCPO) ang isang lalaki matapos nitong pagsasaksakin ang anim na indibidwal mula Sunshine Park hanggang Kisad Road sa Baguio City nitong Hunyo 6.



Nakilala ang suspek na si John Eric Berido, 22, isang magsasaka mula sa Sorsogon.



Pinangalanan naman ang mga biktima na sina Mark David Waguis, 22; Lyka Futaquio, 24; Joseph Mallari Dizon, 28; Paul Baldoza, 28; Gemma Malnawan, 50; at Dona Balisalisa, 31.



Sa inisyal na imbestigation ng BCPO, naiulat na nakaupo ang mga biktima na sina Lyka at Mark sa waiting shed sa Sunshine park nang bigla silang atakihin at pagsasaksakin ng suspek.



Matapos ay tumakbo ang suspek sa direksyon ng Governor Pack Road at sinaksak ang isa pang nadaanang biktima na si Joseph Dizon habang ito ay naglalakad sa naturang kalsada.



Dagdag pa rito, nagpatuloy sa pagtakbo ang suspek padaan ng Governor Pack Road hanggang sa may muli itong pagsasaksaking biktimang kinilalang si Paul. Dumiretso ang suspek sa isang hotel sa Kisad Road at muling nanaksak ng dalawa pang biktima na sina Gemma at Donna habang sila ay nakatayo sa harapan ng hotel.



Umakyat pa ang suspek sa ikalawang palapag ng hotel kung nasaan ang dining hall at dito nagpatuloy sa pag-atake sa mga tao. Sinubukan umanong pigilan ng gwardya ang suspek subalit hindi ito nagpaawat at nanira pa g mga glassdoors, lamesa, at iba pang kagamitan sa lugar.



Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa crime scene na siyang naging dahilan nang pagkahuli kay Berido. Mabilis namang dinala sa ospital ang mga biktima na nasa maayos na kalagayan na ngayon.



Tuloy-tuloy pa rin ang imbestigasyon ng BCPO sa motibo ng suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.



5 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

The Valor UPB

Safeguards the Truth, Champions the Youth 

bottom of page