top of page

Baguio City, nakiisa sa National Flag Day

Writer's picture: Irish Nicole BaguioIrish Nicole Baguio




Tampok sa Baguio Central District sa lungsod ng Baguio ang mga nakasabit na bandila ng Pilipinas ngayong araw, Mayo 28, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Flag Day.

IBANDERA | Bilang pakikiisa sa National Flag Day 2023, kaliwa't kanan ang ibinanderang watawat ng Pilipinas sa kahabaan ng Harisson Road sa Baguio City. - Kessha Carreon [ Pitik ni Ayien-an Jetia Pesimo ]


Layon ng pagdiriwang na alalahanin ang nasyonalismo at pagkamakabayan ng mga Pilipino simula noong unang beses na itinaas ang watawat ng bansa taong 1898 matapos daigin ng rebolusyonaryong hukbo ng Pilipinas sa digmaan ang mga espanyol.


Nagsimula ang selebrasyon nang pirmahan ni dating Presidente Diosdado Macapagal ang Presidential Proclamation No. 374 noong Marso 6, 1965 na dinedeklara ang Mayo 28 bilang “National Flag Day,” kung saan ay hinihikayat ang lahat ng mamamayan at manggagawa, pampubliko man o pribado, na idaos ang araw ng may angkop na seremonya.


Noong May 24, 1994, mas binigyang-diin ang pagdiriwang nito nang lagdaan ni dating Presidente Fidel V. Ramos ang Executive Order No. 179 na idineklara ang Mayo 28, bilang simula ng pagdiriwang ng National Flag Day at magtatagal hanggang Hunyo 12.


33 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

The Valor UPB

Safeguards the Truth, Champions the Youth 

bottom of page